Saturday, July 24, 2010

Blog ng Isang Inggitero


As of this moment hindi ko talaga alam kung anong meron sa akin. Feeling ko para akong lumulutang na dikya sa karagatan at walang pakialam kung saan man ako padparin ng alon.
Expected ko naman na ang mangyayari sa amin ni ano na itatago ko n lang sa code name na ADIK. I mean ginusto ko naman talaga na maghiwalay muna kami, ngayon kung ito ba ay panandalian o permanente, hindi ko pa masabi. Medyo meh hang-ups pa ko sa mga bagay na pinaggagagawa ko lately at sa mga bagay na nadiscover ko. Feeling ko kasi ay nauulit na naman ung nakaraan. Parang history repeats itself ba. Ganon.

Mukha namang okay lang kay ADIK (pero ang totoo nasaktan siya), medyo napaisip ako sa sinabi niya na nakapagdecide na ako. Oo nga sinabi ko nga un pero I considered things naman specially his situation. Pero un nga mukhang hindi naman ako makakatagal sa ganitong set-up so bakit ko pa patatagalin? Kaya ayun for the first time in my life, in my relationship life (as if may buhay talaga ang relationship) I called for a break. Ganito pala ang feeling kapag ikaw ang nakipagbreak - my guilt feeling. Pero nangyari na so okay na. Gaya ng una kong blog (Four Horsemen of Confusion) dumating silang lahat ng sabay-sabay at nawala din sa ganong paraan. Nawala na sa akin si ADIK at natanggap ko na din na hindi magiging kami ni Badminton Prince (pero hoping pa din ako na sana..sana talaga..please! please! please!) o ni SC dahil obviously ikakasal na siya. Si Violin naman, eh talaga namang hindi siya dapat kasali, sinali ko lang dahil may ganap siya sa mga naramdaman ko before.

So ayun na nga, nawala na sila – silang lahat. Nadepress ako. Mas lalo pang tumaas ang depression level ko ng makita ko ang karelasyon ni Pucca (codename ulit) at lalo ng kung anu-ano ang pumasok sa utak ko. Feeling ko eh nabuksan ko ang Pandora’s box (dahil Eric ang pangalan ko, so Eric’s box iyon, tama?) at naglabasan na ang lahat ng negative sa mundo para sa akin.

Hindi ko lubos maisip kung panong nakadekwat si Pucca ng ganong karelasyon na parang nanalo sa perya ng isang set ng baso. Halos kalevel na niya ang nanalo ng jackpot sa lotto. Ang o.a. ba? Sige nga ikaw nga isipin mo, sabihin natin na ang jackpot sa lotto ay 20 million pesos iequate natin yan sa lalaki ni Pucca ngayon. 20 million pesos = maputi, matangkad, GWAPO, malinis, lean ang katawan, MAYAMAN, malambing, MATALINO, bata, GWAPO, MAYAMAN at MATALINONG bf ni Pucca! Tignan mo kaya kung anong hitsura ni Pucca! (sorry ang bad ko) I mean grabe! Honestly nainggit talaga ko to the nth level or kung meron pa bang mas oo.a pa sa nth level.

Ngayon naniniwala na talaga ako sa kasabihang, “opposites attract” at sa salitang swerte. Napakaswerte ni Pucca...sobrang swerte. Ngayon kung sasabihin mong inggitero ako bibigyan pa kita ng isang malaking check diyan dahil totoo yun. Buti na lang kahit papaano eh mahal pa din ako ni God kasi kahit may ganon si Pucca, nasa abroad naman ung papa niya. Kung anong ginagawa dun yan ay hindi ko alam. Kung nagkataon na kasama ni Pucca ngayon ang kanyang papa baka nagpakamatay na ako (oh siyempre nagrereact ako ng o.a. hindi ko naman talaga gagawin un).

Minsan naisip ko pangit ba ako? I mean kung tatanungin kita, masasabi mo ba sa akin ng walang alinlangan na hindi ako pangit? Ngayon kung masasabi mo sa akin na hindi ako pangit, eh bakit hanggang ngayon hindi ko nakukuha ung mga gusto ko? Dahil ba sa opposites attract? So ibig nung sabihin dahil hindi ako pangit ayon sa iyo (at alam ko namang hindi ako pangit) ang dapat na maging bf ko ay pangit? Huwag naman masyadong cruel. I deserve to be happy right?
Kailan kaya ako dadaanan ng swerte? Swerte na katulad ng kay Pucca? Alam ko na ang isasagot mo..be patient. Hay...buhay...bilog na bilog.

Written: April 28, 2010