Valentimes
na naman ngunit dibide-dibide pa din ang puso ko. Kalian kaya magiging one plus
one is equals two ang drama ng love life ko? Twenty five years na akong
dinaraanan ng Valentine’s Day. Nung bata ako kung hindi nanay ko ang kasama ko,
yung katulong namin. Madalas mga kapatid kong barako may date kasi si nanay at
tatay. Ganon din si yaya na talagang akala mo ay aattend ng JS prom at
naka-high heels pa! Bongga ka tey! Minsan naman mga super friends kong wala
ding date. Madalas ako lang talaga, soloista sa library o kaya sa coffee shop
sipping a grande mocha frappe o kaya sa bahay lang...tulog. Ganon lang.
Pebrero.
Anong unang pumapasok sa utak mo kapag nababanggit ang buwan na yan? Malamang
sasabihin mo roses, chocolates, si kupido, pana, puso dahil sa Valentine’s day.
Siguro may mangilan-ngilan na sasagot ng People Power, EDSA, Cory, Gloria
labandera at Erap impeach! May mga sasablay pa diyan at bitter na sasagot ng
pabalang at sasabihing, “Pebrero? Pake ko?”. Yung iba pa-innocent effect at
akalain mong concern, “Bakit? Anong meron? Birthday mo?”. Tao nga naman, likas
na komedyante. Pero kung iisipin mo, mas marami pa ang nagcecelebrate ng
Valentine’s Day kaysa sa EDSA. Partida na yan ah hindi pa holiday ang
Valentine’s kung mapuno ang mga hotel, motel, sinehan, restaurant, McDo,
Jollibee, KFC, beer house, karinderia ni Aling Mameng, sari-sari store ni Tita
Linda, fishballan, kariton, pison, taxi, fx, jeep, tricycle, bicycle, unicycle
(lagi namang puno yan), angkot, ojek (I’m sure hindi mo alam yan), MRT, LRT,
tren, barko, eroplano, jet plane at kung anu-ano pang pwedeng mapuno gaya ng
lata ng sardinas, tuna, pork & beans, corned beef...Shet! Tigilan na!
Malamang
puno na naman ng kulay pula ang paligid. Yung tipong halos kung san ka
mapalingon ay tila may duguan. Kung medyo pa-tweetums ka at pasweet bam-bam, ok
din ang pink o kaya fuschia (spelling check - fuchsia) cge red na nga lang. Uso
din cyempre ang mga bulaklak na iba’t-iba ang kulay at kinalaunan ay binigyan
ng meaning. Trivia time! Ang mga rosas ang pinakasikat na bulaklak tuwing
Valentine’s. Pero kung naubos na ang roses sa Dangwa, marami namang ibang
options, gaya ng sunflower, kung may budget ka panalo ka sa tulips. Pwede din
ang daffodil, honey suckle para may instant merienda or kung wala talaga
talu-talo na sa santan. Huwag ka lang magkakamaling magbigay ng chrysanthemum!
Tiyak malalim ang kalalagyan mo. Anyway tuloy tayo sa trivia.
Kung
nahanap mo na ang kabiyak ng iyong puso o ang maswerte mong iniirog, red ang
dapat mong ibigay. Ang pula ay kulay ng wagas na pagmamahal at romansa (ang
init bigla!). Kung crush lang, simpleng paghanga dahil ang galing niyang
tumambling o kaya kaya niyang mag-baby talk habang nagki-creep walk, pink dapat
ang kulay ng flowers mo. Kung gusto mo namang maging masayaang taong
pagbibigyan mo (na dapat nga happy na siya kasi may flowers na siya) o kaya
dahil ung taong un ang parang aso ang pagiging loyal sa iyo dahil mas loyal pa
siya sa ex mo – go tayo sa yellow! (Go USTE!). Kung for peace offering naman
para sa nakaaway o nakawrestling mo sa kanto o para sa panibagong simula
(muling ibalik) o busilak na kalooban, white ang kulay ng bulaklak. Kung feel
mo naman na in heat ka tulad ng araw sa taong pagbibigyan mo, I’m very sure
winner ka sa orange flowers. Kung feel mo namang magpakaencantadia, mysterious
effect o nabiktima ka ng love at first sight, second sight, near-far wherever
you are – patok ang lavender flowers. Pero kung gusto mong magpaka-unique,
kahit anong kulay pwede. Kung gusto mo nga ng black why not? Basta klaruhin mo
lang ang meaning sa taong pagbibigyan mo dahil kung hindi black eye ang abot
mo. Ang totoo, binigyan lang ng meaning ng mga tao ang kulay ng mga bulaklak
dahil scientifically speaking chromoplast lang ang tanging rason kung bakit
sila may kulay. Meh ganon???!!!
Aside
from flowers, bida din ang chocolates. NAMAN! Sweetness ang effect ng
chocolates at ako ay isang dark chocolate – bitter. Of course kung sa flowers
bida ang roses, meron ding bida sa chocolates. Hindi ko alam kung anong meron
sa Ferrero Rocher at kung bakit abot hanggang batok ang ngiti ng mga kolehiyala
kapag nakakatanggap sila nito pangit man o pogi ang suitor nila. At kung
Belgian chocolate spa ang natanggap mo at magpaka-Miss Belgium ka, ewan ko na
lang kung hindi mo pa siya sagutin. Kung hindi naman kaya ng budget mo ang mga
nabanggit, pwede namang Cadburry, Hersheys o kaya Toblerone. Pero kung wala ka
talagang ganong kalaking budget at magaling kang maghanap, may mga substitute
tayo diyan gaya ng Cloud 9, Big Bang, Flat tops, Curly tops, Goya, Tivoli,
Serg, Choco nut, Tootsie Roll, White Rabbit at ang pinaka-classic – LALA all
natural chocolate. Damihan mo na lang para bawi! Pero hindi ko pa natry gawin
yan so can’t guarantee the effectivity. Kung gusto mong magpaka-adventurous,
TRY MO!
Maraming
naiisip na ideas ang tao para icelebrate ang isang okasyon hindi lang ang
Valentine’s. Kung feel mong magpa-unique, kakaiba at out of this world o
universe, marami namang pwede. You just have to let those creative juices burst
from your mind. If you feel na masyado ng overrated, old-fashioned, mais,
baduy, jologs ang flowers at chocolates; pwede ka namang magexperiment. Sabi ko
nga let those creative juices burst from your brain.
I
am very sure every person has his or her own view of Valentine’s Day. Kung
paano icecelebrate, kung papaano pasasayahin at gagawing special ang day na
ito. Whether it’s your mom, dad, kapatid, kinakapatid, friend, classmate,
seatmate, checkmate, teacher, kababata, BFF, GF, BF, FF (ano un?), ka-FB, ka-MU,
your X, Y, Z, ka-HHWWPSSP or kahit ung buong alpabeto, ka-14344 to the cube
root of X find Y to the nth power, fiancé, may bahay, may binabahay,
crush, ka-fling, o simpleng kakilala at kangitian lang; huwag nating kalimutan
na ang pagmamahal may okasyon man o wala, pwede mong ipakita at ipadama kahit
anong oras, kahit papaano may flowers at chocolates ka man o wala. Ang bawat
segundo, minuto at oras na ibinibigay mo para sa taong mahal mo ay sapat na o
higit pa sa kahit anong yaman na kayang ibigay ng mundo. At higit sa lahat,
huwag nating kalilimutang gawin sentro ng pagmamahalan ang Panginoon dahil sa
Kanya naman nag-uugat ang pagmamahalan.
Natapos
na ang Valentin’es day ko. Wala pa din siya. Sana next year pag-sulat ko ulit
ng Valentine note ay may pagbabago naman. Mas maganda kung katabi at kasama ko
na siya. Until that time comes, I’ll still be hoping and praying na darating
din ang para sa akin. Alam ko andyan lang siya pero siguro, siguro lang maaga
pa. Sayang lang, kahit kasi mabasa niya ito, hindi rin naman niya
maiintindihan. Hindi bale, actions speaks louder than words naman so may
way pa din. Good luck na lang sa akin at sa ating lahat.
Adik
mode:
"Sa dami ng tao ngayon, paano mo kaya
malalaman kung sino sa kanila ang para sa iyo?
Baka naman nakasalubong mo na siya kaya lang hindi
mo pinansin. Dumaan nap ala sa harap mo kaso yumuko ka para magsintas ng
sapatos mo. Nakatabi mo nap ala, kaya lang lumingon ka para tignan nag traffic
light. Baka andun na siya humarang lang yung pedicab.
Sa dinami-rami ng tao, may masuswerte na nakahanap
na, may mga naghahanap pa, may iba sumuko na. Pero ang pinakamasaklap sa lahat, yung
nasa iyo na pinakawalan mo pa. Pero pano nga kaya ano? Kung
isang beses lang dumarating ang para sa iyo? Palalampasin mo ba kahit nasa
harap mo na?"
-
John Llyod, My Amnesia Girl