Thursday, October 4, 2012

Exam Invigilation Day 5 - General Science

            Last day of the exams ngayon for the students, swerte ko wala akong kahit anong invigilation duties. Legal ang pagsusulat ko. This time I will not talk about the mentioned subject above kasi baka maging bias lang ako dahil yan ang subject na tinuturo ko. Mas maganda kung ibang topic na lang. Sakto! World Teachers Day ngayon at ako ay isang guro – kagaya mo.

            Kung tutuusin, lahat naman tayo ay maituturing na isang guro sa kung anong aspeto o parte man ng buhay tayo nabibilang. Lahat naman tayo ay  may kakayahang magturo, kung ito man ay may kadalian o kahirapan, o kaya naman ay natutunan natin sa iba ding guro o kaya naman ay itinuro sa atin ng tinatawag nating “experience”. May iba nga lang na kagaya ko ay nagpakadalubhasa at sinuyod ng mabuti ang sining ng pagtuturo at pinili ang landas na mahirap tahakin at bagtasin. I’m sure marami ang sasang-ayon sa aking huling sinabi.

            Lahat naman tayo ay matatawag na guro and at the same time ay naging estudyante, mabuti man o hindi bahala ka ng humusga, belat! Naaalala ko noong nag-aaral pa ako upang maging isang mahusay at mabuting guro, may nakapagsabi sa akin at sa sampu ng aking mga kamag-aral na, “kung walang teacher, wala din ang ibang propesyon.” Ang mga doktor, inhinyero, arkitekto, mga nars, siyentipiko, pilosopo, abogado, mambabatas, congressman, senador at mi ultimo ang president ng bansa ay dumaan sa iba’t-ibang klase ng teacher. Sila ay hinubog, nahikayat o naimpluwensyahan din ng kanilang mga naging guro. Kagaya nila, ako ay naimpluwnesyahan din ng aking mga naging titser.

            Aminin man natin o hindi, bawat isa sa atin ay may kinagigiliwan at pinagpapantasyahang (kung ano man yun, bahala ka na ulit) Ma’am at Sir noong nag-aaral pa. At siyempre kung may teacher’s enemy, sigurado ako mayroon ding student’s enemy version ng mga guro. Lahat sila ay may impact directly or indirectly kung nasaan man tayo ngayon, maliit man o malaki ang ganap.

            Madali na mahirap ang pagiging guro. Madali siya in a sense na kung ikaw yung tipo ng tao na nag-eenjoy sa paghuhubog ng mga mura at masasayang isip, para mo ng playground ang classroom at ang school ay isang malaking amusement park. Masaya magturo. Masayang makipagkulitan sa mga estudyante at masaya ding malaman na masaya sila sa iyo. Nagiging mahirap lang ito kasi bukod sa paglilinang at paghuhubog ng  personalidad ng mga magiging mamamayan sa hinaharap, kailangan mo ng balance. Balanseng buhay. Mahirap kasi maraming dapat isaalang-alang – in short – demanding. Mula sa simpleng ayos ng buhok; itsura at expression ng mukha; postura ng pagtindig, paglakad at pagkilos; salitang sinasambit; pananamit; bugso ng dadamdamin hanggang sa mga bagay na pinopost sa cyberspace, lugar na pinupuntahan, libangan at nararamdaman ng kalooban; lahat ng ito ay may dagliang epekto sa pagiging guro mo sa loob o labas man ng silid-aralan. Ngunit nais kong ipabatid, gaya ninyo, na tao din ang mga guro – may karapatan.  

            Maselan ang landas na tinatahak ng bawat Miss at Mister ng paaralan. Maselan dahil sa mga guro nakasalalay kung ano ang magiging itsura ng hinaharap. Maselan kasi may mga bagay na kailangang iprioritize bago ang sarili. Maselan kasi hindi lang ang asignaturang iyong pinag-aralan ang iyong ituturo. Maselan kasi hindi lang sa loob ng klasrum nagaganap ang pagtuturo. At maselan kasi hindi lang isa o dalawa o tatlong murang isipan lang ang tatamnan mo kung hindi X multiplied to Y ang peg nito. Where X is the number of students per class multiplied to Y, where Y is the number of classes you handle. Boom! Ganoon siya karami, idagdag mo pa pala ang Z, where Z is the number of years you’ve been teaching. Nakanang! Nag-maths ako! WOW!

            Mukha mang relationship status na it’s complicated ang pagiging titser, hindi naman matatawaran ng kahit anong pisikal na yaman ang tagumpay ng pagiging isang mabuting guro. Hindi man natutumbasan ng pilak, ginto o kapal ng laman ng wallet ang sakripisyong iniinda ng bawat guro, sapat ng yaman ang makita ang mga murang isip na natamnan na maabot ang kanilang mga pangarap na minsa’y isang kathang isip lamang. Sapat na maalala at mapasalamatan at paminsan-minsang maambunan ng tiwalang minsa’y inasam mo din sa iyong mga naging taga-hubog.

            Ang pagiging guro ay hindi nagsisimula sa oras na pumatak ang ala-siyete o sa pagpasok mo sa silid aralan o natatapos sa pag-ring ng bell sa hapon. Ito ay isang buhay, buhay na ibinabahagi upang maging inspirasyon at ipagpatuloy ang paghubog ng mabuting mamamayan sa mga susunod na henerasyon.

SALAMAT SA MGA NAGING TEACHER NG BUHAY KO – SALAMAT SA IYO!

Sunday, September 30, 2012

No Contest



 I know I don’t have to compete with him for your attention because we are not in a competition, and at the same time you are not a prize to covet for.


I am confident that even though I don’t do the things he do or how he does it, I know I have a space, that space I can call my own in your heart.


It may not be a big space that I would have wished for but it is an enough space to appease my longing to touch you and to be with you again.

                                                     -Sept. 24, 2012

Wednesday, February 29, 2012

Huling Hirit sa Love Month




      Honestly, ilang araw na din akong nag-iisip at kumukuha ng buwelo para sumulat ng Valentine note for this year. I got preoccupied with a lot of things until I got pressured kasi ang lapit na ng Valentine’s Day pero wala pa din akong naiisip. Until one day, out of the blue, naghanap ako ng panulat at susulatan at nagsimula na namang magtae ang ballpen ko. Sa mga makakabasa nito, uunahan ko na kayo. Kung hindi niyo na gusto ang inyong nababasa pwede namang tumigil, pero kung matiyaga ka gaya ko at gaya niya, you might find something else at the end.

            Let me just start with the things I highlighted from my last year’s post. From my previous post, Valentimes Day, I mentioned on how people go gaga over the sight of their suitors, special someone, crush, iniirog o sinisinta when they are being given with the ever famous, heart-shaped Ferrero Rocher. Hindi ko alam kung anong napakaspecial at nakakakilig with that high-end golden wrapped sweets until I received one last December 28, 2011. In my 26 years of existence, that was the first time I received that kind of chocolate. And I can attest that there is really something which is beyond words can explain. Pero kung tutuusin, isa lang naman yung tsokolate na gaya din ng ibang tsokolate. Nasa kanya-kanyang style na lang yun kung paano ibibigay (in my case it was very surprising at sa tuwing naaalala ko yun I can’t help but smile the way I smiled when I received it) at kung sino ang nagbigay. Happiness undefined. Kaya sa taong nagbigay sa akin ng heart-shaped Ferrero Rocher chocolate nun, salamat! Sa uulitin at sa muli kong pagbabalik.

               Natatandaan ko din at the last part of my note bago ako nagpakaadik mode on John Llyod’s line sa movieng My Amnesia Girl, I wished na sana sa next Valentine’s Day (this year yun, 2012) ay may pagbabago naman. It sure did happen after 12 long months. This time, this is it. My heart is not alone and at the same time not lonely during the Happy Hearts Day. Thank you Lord!

                Actually nagsimula ang Valentine’s ko nang mas maaga. Although hindi ko pa masabi noon na yun na yung start ng Valentine’s Day ko, ang alam ko nung araw na yun kami nagsimula. October 23, 2011 quoting the private message, “Add kita…from Calamba din ako… :)”, hanggang sa naging consistent, constant ang communication (3 C’s) namin. Online kulitan, pick-up-an (pick-up lines), kamustahan at day countdowns until we decided to meet when I came back from my work place in another country. After that night (December 21, 2011) we both called destiny, when he chose to ride that jeepney to go to our meeting place (nagkaroon kasi ng misunderstanding about the location) where I am waiting, everything started to make sense. I thank God for that wonderful moment kahit na nung una medyo alangan pa ako. After that, surprises started to come overflowingly. Inaraw-araw niya ako. The person who made my smiles a lot better, who never failed to do new things for me every waking day. The person who accepted and embraced me without doubt even if I cannot manage my insecurities. The person who patiently awaits for my return.

                  Hindi man kita nakasama nung Araw ng mga Puso, sana nagustuhan mo yung simpleng surprise ko sa iyo. Lagi mong tatandaan at lagi mong iisipin na mahal na mahal kita at ikaw lang ang nag-iisa dito sa puso ko even if we are 1726.4 miles apart. Darating din yung time na we will celebrate special days together. I just hope na sana as each day passes by, we let our love to each other grow and be stronger than the challenges and temptations that we are going to face. I know that it will not be long and we will be together again and do things we both love doing. Sa ngayon, kailangan muna nating magtiis at lampasan ang challenge na ito para sa huli, we could say that pareho tayong naging survivor. Salamat sa lahat. 

Adik Mode:

                 Love is about acceptance and contentment. Yes, that person may not be ideal nor the one you dreamed about. But if you accept who that person is and is contented with what that person can offer, then you found something...the seed of a good relationship.  And the key to a successful relationship is to treat it like a school test. You mark the mistakes but in the end, it's the correct answers that count.