Minsan natanong ko sa sarili kung tama pa ba yung ginagawa ko. Eh kasi naman masyado akong masunurin sa mga rules at regulations kahit pa nung bata ako. Alam ko sa sarili ko na I always stand by the rules. Pero minsan nalilito na din ako, kasi minsan hindi ko na alam kung rules pa ba ung sinusunod ko o gawa gawa ko lang.
Nakakalito talaga. Minsan habang papauwi ako sakay ng bus biyaheng Sta. Cruz at nakikinig sa aking mp3 ng mga mellow na music, pakanta kanta, sumaglit sa aking isipan kung talagang dapat ba maghintay pa ko. Maghintay sa ano? Sa sinabi ng isang tao sa akin. Actually, hindi niya un sinabi, pinangako niya un sa akin. Sabi niya kasi pag natapos na daw lahat ng pinagkakaabalahan niya, hindi na daw kami mahihirapan. Mukha namang walang nakakalito dun di ba? Eh hindi pa naman kasi ako tapos.
Ang nakakalito kasi ngayon para sa akin eh kung hihintayin ko pa ba ung araw na yun. Araw na walang kasiguraduhan. Walang definite na date. Mas maganda pa ung mga taong may kamag-anak sa abroad, at least sila alam nila kung kailan aalis o uuwi ung kamag-anak nila, specific ang date pati nga oras. Ako hindi ko alam kung kalian ba yung sinasabi niyang iyon. Pero heto pa din ako naghihintay kahit walang kasiguraduhan. Dati, hindi ako ganito. Hindi ako nagdedesisyon o kumikilos hanggat hindi ako sigurado sa pwedeng mangyari. O kaya naman hanggat hindi ko alam kung kalian talaga magaganap ang isang bagay.
Bakit nga ba naging nakakalito ang paghihintay? Ang totoo hindi ko din alam. Siguro ayoko lang na maiwan siya sa ere, kasi naging mahina ako, kasi hindi ko siya nahintay. Kasi nagmamadali ako. Kasi gusto kong masunod ung ideals ko. Ayoko kasing masisi ako sa huli. Pero mahirap kasing maghintay sa wala. Maghintay ng hindi ka sigurado. Walang assurance sa mga bagay. At ang nakakatakot pa nun, dahil umasa ako sa sinabi niya baka hindi ko matanggap sa huli kung taliwas man ang mangyayari.
Nalilito din ako kung tama pa ba yung ginagawa ko kasi sa totoo lang nahihirapan ako. Kasi kung iisipin mo, kung tama naman yung ginagawa mo, bakit ka mahihirapan? Ang hirap kasi na kalabanin mo ung set of ideals mo. Ung mga bagay na hindi ka sanay o hindi mo nakasanayan eh ginagawa mo. May mga bagay kasi na pwede naman palang gawin bakit hindi ginagawa? Siguro may kanya-kanya lang talagang style ang mga tao. At siguro, dahil masyado akong masunurin sa mga rules at regulations, hindi ko na nabibigyang pansin yung iba pang possibilities. Kaya siguro nagiging mahirap, nagiging nakakalito.
Siguro, habang kaya ko pang magtiis maghihintay pa din ako. Kahit na minsan mahirap talaga. Kahit na minsan naiinis na ako at napapraning. Sana lang sa paghihintay kung ito may mapapala ako. Dahil kung sa wala lang din mapupunta ang aking paghihintay, kung hindi din matutupad yung mga sinabi niya siguro mabuti pang tigilan na ang paglalaro at pagsasayang ng panahon, oras, pagtitiwala, pera, pag-eeffort, at pagmamahal. Hindi din kasi makakabuti para sa atin. Nakakalungkot mang isipin na sa haba ng panahong paghihintay eh mauuwi lang sa wala ang lahat. Parang hindi ko yata kakayanin yung ganon. Pero sana, lagi kong dasal sa Panginoon, na maging maganda ang lahat. Na maging totoo siya sa kanyang mga sinabi at magtagal pa kami. Mwah! ^^v
--lahat ay naging SANA na lang sapagkat tapos na ang lahat. Wala ng dapat pangikalito. Kailangan na lang ituloy ang buhay kahit mahirap. Magsimula uli sa umpisa at MAGHINTAY.--
2008.12.31 (posted)
2009.01.24 (edited)
No comments:
Post a Comment