Thursday, December 15, 2005

Wish of 9

"today would be the start of the journey to nine... why nine? because it was said to be the nine months care of a mother to a beloved son...one of the main event this frigid days has come... journey to nine... journey towards the welcoming of a coming saviour..."
simbang gabi ang simula ng lahat.isang paniniwala na kapag nakumpleto mo ang siyam na gabi ng novena ang iyong hiling ay matutupad...isang paniniwala na kcng tanda na ng ating mga ninuno...
"sino ang nagsabing 'di ka malilimutan? sino ang nagsabing 'di ka maiiwanan?"
cguro kaya lang ito nasabi ng mga matatanda ay dahil pangganyak sa mga kabataan na sumamba at maging handa pra sa nalalapit na pagdating ng manunukob...parang motivation na ginagawa naming mga guro sa klase...
ang paniniwala na ang hiling ay matutupad kapag nakumpleto ang siyam na gabi ng novena...nung una kong nakumpleto ang simbang gabi... isa lang ang hiling ko...bata pa ako nun...cguro mga kasing edad ng mga estudyante ko ngaun...gaya ng paniniwala...humiling din ako matapos ang huling simba ng simbang gabi...umasa na ito ay matutupad...ngunit...dumaan ang mga araw na sadyang walang pinagbago...ganon pa rin ang lahat...
at naulit pa ang mga simbang gabing tinapos ko...gaya ng mga nauuna...isa lng ang hiling ko...at un pa rin ang hiling ko katulad ng nauna...umasa...nabigo...patuloy pa rin...dumating sa punto na di na ako naniwala sa sabi...pro nagsisimba pa din ako...
kanina...kakatapos ko lang magsimba...cguro nakasanayan ko na na isama un sa pananlangin ko...ung hiling ko dati...ung hiling ko nung una kong simbang gabi...ewan ko...kahit di nako naniniwala humihiling pa rin ako... parang bata na umaasa sa mga pdeng naganap...cguro...isang araw sa buhay ko... di ko namalayan na natupad na ung hiling ko...nakatuon nga lng ang pansin ko sa ibang bagay...o kya naman pinatikim lng ako ng kapirasong parteng hiling ko...
cguro ngaun...kapag natapos ko ang simbang gabi...ang siyam na araw ng novena...hihiling pa rin ako...ung una kong hinihiling noong una kong simba...ung paulit-ulit kong hiling na alam kong hindi matutupad o mangyayari...
...at un ay ang hiling na sana dumating ang araw sa buhay ko na hindi na ko mag-iisa...darating ang taong sasamahan ako sa lahat ng bagay na ninanais ko...isang tao na meh pangarap na tulad ng sa akin...isang tao na makakaintindi at kaisa ng aking kaluluwa...
... sana...


2005.12.15

No comments:

Post a Comment